Sabado, Pebrero 11, 2017

Interview

 
Siya si Aling Valen(hindi totoong pangalan) 52, taong gulang nagtrattabaho bilang isang janitress sa pampribadong paaralan.
Ano po ang ginagawa niyo bilang isang janitress? "Eto naglilinis ng classroom,opisina kung ano 'yung area na naka-assign sa akin," sabi niya. Katatapos niya lang sa paglilinis. Ano po ba ang trabaho ng asawa niyo? Ilan ang anak ni'yo po? "Ang asawa ko, foreman siya dati sa isang construction site kaso naaksidente siya nitong 2014. Gumaling naman siya pero nagkadiperensiya sa katawan pero ngayon nag-tratrabaho siya bilang isang panadero sa bayan," sabi niya habang umiinom mg baong tubig. Apat ang anak ni Aling Valen isa 'yung nag-aaral ng College of Education ang course at mayroong tatlong anak na nasa hayskul pinagkakasya ang maliit na kita upang pag-aralin ang apat na anak.

Noong una po ba hindi kayo nahihirapan sa inyong trabaho? "Noong una mahirap kasi nag-aadjust ako maraming gawain; akyat-baba sa hagdan pag-uwi ko sa gabi at hihiga ako masakit ang katawan pero sa tinagal-tagal ko ng nagtratrabaho dito, sanay na ako" sabi niya. Hindi nga biro ang trabahong ito pero sa totoo lang nagagawa niyang lahat at natitiiis niya ang sakit at pagod pero kinalaunan nasanay na rin siya sa trabahong ito na bumubuhay sa pamilya niya. Bakit po pagiging janitress ang inyong napiling hanapbuhay? "Sa totoo lang, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya kahit mahirap aking pinagtitiyagaan para makatulong na rin sa aking pamilya," sabi niya habang may baong ngiti sa mata nung kinakausap ko siya. Mahirap talaga ang hindi nakatapos ng pag-aaral kahit gusto mo o ayaw mo mapipilitan kang mag-hanap buhay. Kung kayo po ay babalik sa inyong kabataan pipiliin ni'yo parin po ba ang hindi na nakapag-aral? "Aba! Hindi na, pinagsisisihan ko ang hindi ko pagtatapos ng pag-aaral kaya parati kong sinasabi sa mga anak ko mag-aral nang mabuti upang makapag-hanap ng magandang trabaho" sabi niya. Nag-iba nag mood ng mukha niya binabanggit ang salita; nakatingin sa malayo. Napaisip ako dahil totoo ngang napakahalaga ng pag-aaral,lalo na sa mga kabataan kagaya namin.
Ano naman po 'yung ine-expect o nais niyong matanggap ngayong darating na pasko? "Gusto ko kasing may kaunting panghanda sa pasko. Kahit simpleng handaan lang, pansit, tinapay, okay na. Gusto ko lang naman mabuo ang pamilya ko sa pasko," pagtatapos niya. Si Aling Valen ang tipo ng taong masipag at matulungin sa kanyamg pamilya. Nagsu-sumikap na matulungan ang kanyang asawa at mapag-aral ang apat na anak. Nais lamang niyang makatapos ang kanyang anak sapagkat ito ay ang kayamanan na tanging maipapamana niya sa kaniyang anak.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento