Nagsimula sa pasimpeng pagbibigay ng mga chocolates, teddy bear, dahil sa kagustuhang manligaw. "May pag-asa ba?" Iyan ang kadalasan itinatanong ng mga kalalakihan. Hindi ba pwedeng subukan muna?
Pasikretong aalayan ng mabango at mga paborito mong bulaklak dadalhan ka kung nasaan ka man maaaring sa iyong opisina, o sa lugar na iyong pinagtratrabahuhan.
Yayayain kang mamasyal sa mall kumain sa labas hanggang sa unti-unti ng makuha ng binata ang iyong loob.
Sa loob ng ilang buwan o taon na pagtitiyaga ng binata. Hindi mo na halos mamalayan na lubos na ang pagpapalagayan ng inyong loob.
Ngunit minsan nagkakaroon ng mga tampuhan hindi pagkakaunawaan maaaring dahil sa oras na hindi mapagtuunan ng pansin, busy sa trabaho, o dahil sa mga taong pilit kumokontra sa inyong relasyon?
Oo, minsan gusto mo ng sumuko. Mahirap ang mag-isa diba? Sabi nga nila walang perpektong tao. Kahit ang relasyon niyo. Maging handa sa lahat ng maaaring magyayari. Minsan maiisip mo ang mga katagang "Oo nga pala, nasa huli ang pag-sisisi."
Dahil sa mabuting komunikasyon hind rin nagtagal ay nagkakaayos dahil sa inyong tiwala sa isa't-isa, pagkakaroon ng open communication, at malawak na pasensiya.
Matapos ang ilang taon napagpasyahang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.
"Giving birth is a blessing." Ika nga nila, iba na ang may buhay may asawa. Mag-aalaga ka ng bata, magpapalit ng lampin, at pilit mong papatahanin. Ngunit, ito ay isang napakahalagang parte ng pagpapamilya.
May nanay na siyang ilaw ng tahanan, May tatay na siyang haligi ng tahanan May ate at kuya na siyang malalapitan kapag wala si nanay at tatay. May bunso na nagbibigay aliw sa loob ng tahanan.
Masarap sa pakiramdam kung kasama mo sa bandang huli ang taong mahal mo. Mapapakanta kana lang ng "Patatawanin kita pag hindi ka masaya, bubuhatin kita kapag may rayuma kana, ohh kay sarap isipin."
Kasama kang tumanda...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento