In CEFI: You Made a Right Choice
Nang maging isang ganap na mag-aaral ako ng Calayan Educational Foundation, Inc. Marami akong natutunan. Hindi lamang pagdating sa akademika pati na rin sa pakikipagkapwa.
Kinuha ko ang specialization ng Humanities and Social Sciences. Nasasakop nito ang iba't ibang kursong may Education, Psychology, Criminology, at iba pa. Isa ito sa nabibilang na isa sa pinakamagandang track na maaaring kunin ng ilang Gr.10 students.
Naroon ang ilan sa trabahong maaaring kunin ang pagiging guro, pulis, broadcaster, pag-aaral ng behavior at galaw ng tao. Dahil ipinatupad na ang K-12 program, nadagdagan ng dalawang taon ang pagsabak sa pag-aaral.
Dito masusukat ang iyong kakayahang umunawa, magpaliwanag at ang pakikihalubilo sa ibang tao. Kinakailangan ng matinding pang-unawa at presensya. Tiyak na mahaba-habang panahon rin ang igugugol para dito.
Bilang isang Humanities and Social Sciences student ito ang napili kong track. Hndi lamamg ito nakapokus sa pag-aaral, paggawa ng report, at magdamag na pagbabad sa paggawa ng assignments. Mayroon ding iba't ibang aktibidad, film viewing, sports fest, boodle fight, at exhibits.
Sakop nito ang iba't ibang subjects gaya ng Physical Science, Statistics and Probability, Reading and Writing, Discipline in Social Sciences, Physical Education, at Creative Non-Fiction.
Ang pagdadagdag ng dalawang taon ay nakatutulong sa mga Gr.10 students at darating pang panahon. Dito ay mas mahuhubog ang kanilang mga kakayahan at talento.
Magkakaroon ng sapat na kaalaman at ideya sa iba't ibang larangan. Matututo ang mga estudyante sa tamang paggamit at pagbigkas ng mga salita. Lalo na sa paggamit ng foreign language.
Ang kasanayang ito ay maaaring magamit ng mga kabataan lalo na kung sila ay magtratrabaho sa ibang bansa. Ang pakikipagtalastasan at pakikitungo sa ibang dayuhan.
Sa paraang ito mas mapapaunlad ang edukasyong K-12 program. Magkakaroon ang mga kabataan sa hinaharap ng magandang trabaho. Ito rin ay ang kasanayan na maaari nilang ipamana sa kanilang mga anak sa darating na panahon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento