Inner Life Hindi ako yung tipo ng taong sobrang talino. Pangkaraniwan o average kumbaga. Kung ilalarawan ko ang aking imahinasyon ay malawak pagdating na sa aking mga pangarap. Kung lalagyan ko mula una hanggang ika-sampung hakbang ang aking praktikal na pang-huhusga at pag-intindi. Lalagyan ko ito sa ika-pitong bahagdan. Mas pipiliin kong maging mapagkumbaba dahil ito ay likas sa akin. Upang mas madali kong maayos ang aking mga problema. Nag-kokonsulta ako sa aking mga magulang. Humihing rin ako ng payo sa ako aking mga kamag-anak at kaibigan. Ang aking talento ay ang pag-awit. Ngunit kulang ako sa talento lalo na pagdating sa pagsayaw. Sa ngayon, masasabi ko na ang aking tagumpay ay ang pagtatapos ko ng 11 taon ng pag-aaral na naging bunga ng aking pagsisikap. Dumaan rin sa akin ang pagkabigo. Ito ang naging dahilan ng pag-bagsak ng ilan sa aking major subjects noong ako ay nasa hayskul pa lamang. Bata pa lang ako, naging ambisyon ko na ang maging isang mahusay na guro. Mayroon tatlong bagay akong akong kinakatakutan. Una, ay ang pagkawala ng mga bagay na nasa akin. Ikalawa, ay ang pag-bagsak ko sa aking mga subjects at ang pagkawala ng mga taong mahalaga sa akin. Mayroon tatlong bagay na ikina-gagalit ko. Una, ang pagiging ma-pride ng isang tao. Ikalawa, ay ang pagsisinungaling. Ikatlo, hindi pagiging kuntento. Ang isang tao ay may magandang kaugalian kung siya ay mapagkumbaba, marunong magpahalaga at may konsiderasyon sa ibang tao. Pinapahalagahan ko ng lubos ang aking pamilya, iniiwasan ko ang pagiging ma-pride, galit at lungkot ng isang tao. Ang pinakahigit na iniingatan ay kabutihan at katapatan ng isang tao. Sa aking paniniwala, ay ang palagiang pagdadasal, pagtitiwala at paniniwala sa Diyos. At kung may tatlong bagay man ako na hindi ko na muling gagawin ay ang pagiging huli sa klase, kumain ng marami at ang pang-aasar sa aking mga kaibigan. Kalakasan ay pagpapanggap na ako masaya minsan. Higit sa lahat, sa harap ng ibang tao. Kahinaan ko naman ay ang umiyak sa harap ng marami.
Life With Others Lumaki ako kasama ang pamilya ko simple lang ang aming pamumuhay. Dahil doon, lumaki ako ng may maayos na pakikitungo sa ibang tao. Mas malapit rin ang loob ko sa tatay ko. Ang mga magulang ko ay nagtratrabaho sapat na para bumuhay sa aming pamilya. Kalakasan ko ay ang maging isang independent kahinaan naman ng tatay ko ang ang pagiging mabilis magalit. Gayun man nag kalakasan ko ay maging positibo sa buhay at mahina naman ang nanay ko pagdating sa pag-aalala lalo na kung ako ay gabi ng nakakauwi na bahay. Noong bata pa ako, naranasan ko ang maging masaya, maglibot kung saan-saan kasama ang aking mga kababata. Ang nanay ko ang isa sa pinaka-maimpluwensiyang tao sa noong bata pa ako. Tinuruan niya akong bumangon sa aking pagkakadapa. Pumasok ako noon sa publikong paaralan naging maayos ang pakikisalamuha ko sa ibang tao. Ngunit, hindi maiwasang mahirapan ako sa ibang subjects lalo na sa Matematika at mas nadadalian ako sa Ingles. Noong bata pa ako, hindi ako sikat pero sumali din ako sa iba't-ibang organization pero ngayon sa akademiks ko muna ako naka-pokus. Mas naka-impluwensiya sa akin ang mga magulang ko na tumutulong sa akin na mag-aral ng mabuti. Unang pag-ibig ko ay ang aking ina sapagkat siya ang nag-alaga sa akin noong bata pa lamang ako. Hilig ko ang pakikinig ng musika at ang pag-kanta. Isa sa hinahangaan ko ay si Tristan ng Pinoy Boy Band Superstar. Ang matalik ko na kaibigan ay sina Roxanne, Aira, Crisha at Noli. Sila ay mga tao na aking malalapitan lalo na kung ako ay may problema. Ang kaaway ko naman ay si Joshua kapatid ko, madalas naming pag-awayan ang mga gawaing bahay ngunit hindi naman iyon nagiging sobra sa away. Aking kinahihiligan ang pagbabasa at panunuod ng indie films. Hilig ko rin ang pagbibisekleta upang lalo akong sumaya kasama ang aking mga kaibigan. Ang huling party na pinuntahan ko ay ang aming Christmas Party kasama ang aking mga kaklase. Isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko ay ang mga magulang ko. Namamasyal kami sa parke at nagkakaroon ng malaking salo-salo. Malungkot amg nangyari sa amin noong nagkaroon kami ng open forum nagkaiyakan rin kami dahil sa mga bagay na hindi kami nagkakaintindihan. Bilang isang kabataan, ang papel ko sa lipunang ito ay magsilbing inspirasyon sa mga bata at sa hinaharap. Kung may nais man akong baguhin sa mundong ito ay ang pagtigil sa paglaganap ng droga. Ang tatlong mahahalagang pangyayari na nais kong balikan pagdating ng panahon ay aking pagkabata, masasayang panahon noong ako ay bata pang naglalaro sa kalsada at ang aking hayskul days. Ito ay nagbabalik sa aking nakaraan.
Home Life Ang bahay ko ay matatagpuan sa isang subdibisyon sa Lucena City. Sarili at pag-aari namin ang bahay. Siyam na taon na rin namin ang bahay. May bawat espasyo na nasasakupan may sala, kusina, kwarto at banyo. Ang aking kapit-bahay ay mababait, masipag at mapagbigay lalo na kung may handaan at okasyon. Maayos ang pakikitungo nila saamin. Kasama ko sa aking pamilya sina Mama Ems, Papa Jo, Josh at JR. Masaya ang aking pamumuhay kasama ang aking buong pamilya. Pinapanatili naming malinis ang aming bahay sapagkat strikto ang aking tatay. Paborito kong parte ng bahay ay ang kwarto ko ito ay tahimik na lugar para saakin. Hindi ko gusto sa kusina hindi ko hilig ang pagluluto. May tatlong bagay akong paborito libro, diary at cellphone ko. Hilig ko itong gamitin at gawing libangan. May tatlong bagay rin akong itinatago gusto kong balikan pagdating ng panahon lumang diary, sirang alkansiya at lumang ID's dahil nakakatuwang alalahanin iyon. Masaya noon ang mga araw na kasama ko ang aking mga kaibigan. Matapos ang anim na taong hindi naming pagkikita kami ay muling nagsama-sama. Nagbabahagi ng mga aming karanasan at masasayamg ala-ala. Masaya rin ang mga araw na nakasama ko ang aking mga pinsan. Galing pa sila noon sa malayong probinsya. Masaya kong idinaos noon ang bagong taon na kasama sila. Ang pinakamalungkot na nangyari noon sa buhay ko ay noong namatay ang lolo ko dahil sa sakit sa puso. Nakakalungkot ang mga pangyayaring iyon. Masaksihan ang lahat ng pangyayari ng atakihin siya sa puso. Wala namang maamang nangyari sa pamilya ko, walang napapasama sa gulo at mga rambol. Pinapanatili namin ang kapayapaan ng aming pamilya. Dala ng pagiging kabataan sinubukan ng mga kaibigan ko noon noong hayskul ako ang uminom ng alak ngunit agad ko silang napigilan dahil kung hindi mapapagalitan ako ng aking mga magulang. Mas masaya pa rin kung kasama ko ang aking pamilya sa bahay kami ay masaya at magkakasama.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento