Ang Arts for Human Rights ay ginanap noong Disyembre 10, 2016 kung saan nagtipon-tipon ang lahat ng mga artists at mga mag-aaral upang magkaroon at maisagawa ang iba't ibang aktibidad na naglalayon upang maisulong at maipahayag ang mga karapatan ng bawat isa sa atin: Karapatang pantao, karapatan bilang mag aaral, anak, at kapwa-tao.
Pagpasok na pagpasok ay mababanaag ang ang larawan ng mga political prisoners. Ipinapakita dito ang iba't ibang uri ng tao mataas man o mababa ang kinatatayuan nila sa buhay. Nabanggit ng isa sa mga artist at speaker na "Ang lahat ng mga nakadikit na paskil at larawan riya ay kagaya lang rin natin mga simple, normal, at payak na tao."
Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral artist at organisasyon at sinimulan ito ng isang opening remarks. Kasunod ng ilang komersyal kung saan ang ilan sa mga mag-aaral ng CEFI ay nakilahok.
Sinundan ito ng panunuod ng film na pinamagatang Mga Kwentong Barbero na pinagbibidahan ng isa sa mga magaling na aktres sa larangan ng pag-acting. Dito tinatalakay ang mga nangyari noong unang panahon ng rehime ng dating pangulo na si Marcos.
Natapos ang film. Naglibot-libot muna ang ilan sa loob at nagkuhaan ng litrato. Katabi ko noon ang aking kaibigan na si Aira,16. "Nakakatakot rin talaga ang mga pangyayari noon hanggang ngayon puro karahasan." sabi niya. "Paano mo naman nasabi?" tanong ko. "Panay karahasan lalo na at si Duterte na ang pangulo ngayon." aniya.
Nagkaroon ng komersyal. Siya si Joel Boncay, tingin ko ay may kaidaran siya ng kaunti sa akin. "Magra-rap po ako. Patungkol ito sa mga taga Pagbilao na na-demolish ang bahay," sabi niya. Alam na siguro ng iba ang pinupunto niya.
Ilang oras ring pinipinturahan ang telang puti na kinalaunan ay natakpan ng kulay-pulang pintura. Nakapinta roon ang iba't ibang ekspresyon ng mga artist na patungkol sa Human Rights. Kasunod, ay ang pagpapakilala sa grupo ng Guni-guri, isa ito sa mga organisasyon para sa sining at kultura.
Tinawag naman ang isang lalaki siya si Aaron, Secretary General ng EU Bahaghari. Nais naman ng kanilang grupo na isulong ang karapatan ng mga tao sa loob ng LGBT community. "Sapagkat nais namin na maprotektahan ang bawat isa sa'min. Ilan sa amin ang nagiging biktima ng kamalian at hindi pagkakapantay-pantay," aniya. Natapos ang pangyayaring iyon na iniwanan ng isang malalim na tula.
Inabot ng gabi at sisimulan ang candle lighting kung saan ang iba ay nagtali sa ulo ng itim na ribbon kasabay ng pag-protesta. Hindi lang ito nangyari sa Quezon kung hindi idinaos rin sa iba't ibang panig ng Pilipinas.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento