Sabado, Pebrero 11, 2017
Trap
Enero 14, 2017, ganap na ika 8:00 ng umaga, ipinalabas ang isang film na pinamagatang "Taklub". Ang mga mag-aaral ng Calayan Educational Foundation, Inc. ay tutok na tutok sa panunuod. Ngunit ang ilan sa kanila ay nakikipag-kwentuhan sa katabi. Umani na naman ng parangal ang Pilipinas sa larangan ng paggawa ng film. Isang malaking ambag ito ni Brillante Mendoza para sa mga Pilipino upang ito ay mas tangkilikin kaysa sa panunuod ng mainstream movie. "Wala na ang daluyong," wika ni Larry habang sumisilong sa bahay ni Bebeth. "Wala na rin ang malakas na hangin at ulan," dugtong pa nito. Iyan ang kadalasan problema sa mga naninirahan sa tabi ng dagat masyado silang kampante kahit na nandiyan pa rin ang sakuna. Nais ng direktor na si Brillante Mendoza na ipamulat sa atin ang realidad. Hindi lahat ng nangyayari sa mga pelikula ay nangyayari sa totoong buhay. Oo nga naman, sapagkat halos lahat ng mga nakikita at napapanuod natin sa sinehan ay hindi makatotohanan, maaaring mangyari sa totoong buhay, 'yun ay kung nagkakataon lang. Masasalamin ang pagyayari noong taong 2013 nang tumalasa ang bagyong Yolanda sa Tacloban. Marami ang mga namatay at nawalan ng ari-arian. Ngayon ay napakabagal pa rin ng usad ng gobyerno. Marapat lamang na sila ay mas pagtuunan nang pansin dahil sa unos na kanilang sinapit. Ipinapahayag ang pagiging kampante ng ibang tao kahit wala silang kasiguraduhan sa mga desisyon at hakbang na kanilang gagawin. Sumasalamin sa makatotohanang pangyayari. Ang kawalan ng mga napinsala sa kanilang mga mahal sa buhay. Karapat-dapat na tangkilikin ang panunuod ng films. Dito natin masasalamin ang ating mga sarili, pangyayari sa ating buhay. Sapagkat, ito ay hango o base sa tunay na pangyayari na maaaring dumating sa tunay na buhay.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento