Ang Arts for Human Rights ay ginanap noong Disyembre 10, 2016 kung saan nagtipon-tipon ang lahat ng mga artists at mga mag-aaral upang magkaroon at maisagawa ang iba't ibang aktibidad na naglalayon upang maisulong at maipahayag ang mga karapatan ng bawat isa sa atin: Karapatang pantao, karapatan bilang mag aaral, anak, at kapwa-tao.
Pagpasok na pagpasok ay mababanaag ang ang larawan ng mga political prisoners. Ipinapakita dito ang iba't ibang uri ng tao mataas man o mababa ang kinatatayuan nila sa buhay. Nabanggit ng isa sa mga artist at speaker na "Ang lahat ng mga nakadikit na paskil at larawan riya ay kagaya lang rin natin mga simple, normal, at payak na tao."
Nagtipon-tipon ang mga mag-aaral artist at organisasyon at sinimulan ito ng isang opening remarks. Kasunod ng ilang komersyal kung saan ang ilan sa mga mag-aaral ng CEFI ay nakilahok.
Sinundan ito ng panunuod ng film na pinamagatang Mga Kwentong Barbero na pinagbibidahan ng isa sa mga magaling na aktres sa larangan ng pag-acting. Dito tinatalakay ang mga nangyari noong unang panahon ng rehime ng dating pangulo na si Marcos.
Natapos ang film. Naglibot-libot muna ang ilan sa loob at nagkuhaan ng litrato. Katabi ko noon ang aking kaibigan na si Aira,16. "Nakakatakot rin talaga ang mga pangyayari noon hanggang ngayon puro karahasan." sabi niya. "Paano mo naman nasabi?" tanong ko. "Panay karahasan lalo na at si Duterte na ang pangulo ngayon." aniya.
Nagkaroon ng komersyal. Siya si Joel Boncay, tingin ko ay may kaidaran siya ng kaunti sa akin. "Magra-rap po ako. Patungkol ito sa mga taga Pagbilao na na-demolish ang bahay," sabi niya. Alam na siguro ng iba ang pinupunto niya.
Ilang oras ring pinipinturahan ang telang puti na kinalaunan ay natakpan ng kulay-pulang pintura. Nakapinta roon ang iba't ibang ekspresyon ng mga artist na patungkol sa Human Rights. Kasunod, ay ang pagpapakilala sa grupo ng Guni-guri, isa ito sa mga organisasyon para sa sining at kultura.
Tinawag naman ang isang lalaki siya si Aaron, Secretary General ng EU Bahaghari. Nais naman ng kanilang grupo na isulong ang karapatan ng mga tao sa loob ng LGBT community. "Sapagkat nais namin na maprotektahan ang bawat isa sa'min. Ilan sa amin ang nagiging biktima ng kamalian at hindi pagkakapantay-pantay," aniya. Natapos ang pangyayaring iyon na iniwanan ng isang malalim na tula.
Inabot ng gabi at sisimulan ang candle lighting kung saan ang iba ay nagtali sa ulo ng itim na ribbon kasabay ng pag-protesta. Hindi lang ito nangyari sa Quezon kung hindi idinaos rin sa iba't ibang panig ng Pilipinas.
Sanaysay
Huwebes, Marso 30, 2017
Facebook Friends Posted Her on Eileen's Wall 2016-2017

Picture with Eileen's Family 2016-2017

Status with Comments of Eileen 2017

Profile Pictures of Eileen 2014-2017

Cover Photos of Eileen 2015-2016

Picture on Event of Eileen 2014 OOTD with Comments
Christmas Party

Remembering Koko's Birthday

Juniors Day

Fun Run

Juniors Ball

Eileen Abadilla 2017
Siya ay isang tao na palakaibigan at mahilig magselfie.
Physical Aspect
Pangalang hango sa lumang tipan ng bibliya. Ipinanganak ako noong Pebrero 17, 2000. Labing anim na taong gulang.
Filipina, may taas na 5'2. Mayroong bigat na 43 kilos na timbang. Maraming nagsasabi na cute raw ako lalo na kung ako ay nakangiti.
Marami ring nagsasabi karamihan sa aking mga kamag-anakan. Maganda raw ang aking pisikal na tindigan. Ito ay isa sa aking pinakaiingatan.
Kung ilalarawan ang aking lakas, tibay at koordinasyon pagdating sa mga aktibidad na isports. Masasabi kong aktibo rin ako. Mayroon akong palagiang ginagawa o habit yun ay ang pag-eehersisyo.
Ugali ko ang mag ehersisyo araw-araw. Paborito kong isports ay ang badminton. Minsan naman ay ang paglalaro ng basketball. Minsan ay paglalaro ng chess at volleyball.
Maganda ang lagay ng aking pangangatawan. Ika nga nila, nasa magandang kondisyon ito. Mas naging aktibo ako hindi gaya ng dati. Sapagkat nadagdagan naman ang aking timbang.
Sa medikasyon ay wala akong problema wala rin akong iniinom na gamot. Noon ay nagkaroon ako ng hika. Ngunit hindi naman ito nakaapekto sa kalusugan ko ngayon.
May nakuha akong katangian sa aking pamilya. Iyon ay ang magiliw naming pagtanggap ng bisita. Ang pagtulong namin sa ibang tao ng walang hinihintay na kapalit.
Hindi ako gumagamit ng alkohol, nicotin at ipinagbabawal ng gamot. Bata pa ako at alam ko ang masamang maidudulot nito saakin. Higit sa lahat, sa aking emosyonal at pisikal na kalusugan.
Ang asset ko ay ang aking mga mata. Ngunit, mayroon akong kahinaan. Hindi dahil nasa kondisyon ako ay malakas na ako mahina rin ako pagdating sa pagiging sensitibo sa ibang bagay.
Inner Life Hindi ako yung tipo ng taong sobrang talino. Pangkaraniwan o average kumbaga. Kung ilalarawan ko ang aking imahinasyon ay malawak pagdating na sa aking mga pangarap. Kung lalagyan ko mula una hanggang ika-sampung hakbang ang aking praktikal na pang-huhusga at pag-intindi. Lalagyan ko ito sa ika-pitong bahagdan. Mas pipiliin kong maging mapagkumbaba dahil ito ay likas sa akin. Upang mas madali kong maayos ang aking mga problema. Nag-kokonsulta ako sa aking mga magulang. Humihing rin ako ng payo sa ako aking mga kamag-anak at kaibigan. Ang aking talento ay ang pag-awit. Ngunit kulang ako sa talento lalo na pagdating sa pagsayaw. Sa ngayon, masasabi ko na ang aking tagumpay ay ang pagtatapos ko ng 11 taon ng pag-aaral na naging bunga ng aking pagsisikap. Dumaan rin sa akin ang pagkabigo. Ito ang naging dahilan ng pag-bagsak ng ilan sa aking major subjects noong ako ay nasa hayskul pa lamang. Bata pa lang ako, naging ambisyon ko na ang maging isang mahusay na guro. Mayroon tatlong bagay akong akong kinakatakutan. Una, ay ang pagkawala ng mga bagay na nasa akin. Ikalawa, ay ang pag-bagsak ko sa aking mga subjects at ang pagkawala ng mga taong mahalaga sa akin. Mayroon tatlong bagay na ikina-gagalit ko. Una, ang pagiging ma-pride ng isang tao. Ikalawa, ay ang pagsisinungaling. Ikatlo, hindi pagiging kuntento. Ang isang tao ay may magandang kaugalian kung siya ay mapagkumbaba, marunong magpahalaga at may konsiderasyon sa ibang tao. Pinapahalagahan ko ng lubos ang aking pamilya, iniiwasan ko ang pagiging ma-pride, galit at lungkot ng isang tao. Ang pinakahigit na iniingatan ay kabutihan at katapatan ng isang tao. Sa aking paniniwala, ay ang palagiang pagdadasal, pagtitiwala at paniniwala sa Diyos. At kung may tatlong bagay man ako na hindi ko na muling gagawin ay ang pagiging huli sa klase, kumain ng marami at ang pang-aasar sa aking mga kaibigan. Kalakasan ay pagpapanggap na ako masaya minsan. Higit sa lahat, sa harap ng ibang tao. Kahinaan ko naman ay ang umiyak sa harap ng marami.
Life With Others Lumaki ako kasama ang pamilya ko simple lang ang aming pamumuhay. Dahil doon, lumaki ako ng may maayos na pakikitungo sa ibang tao. Mas malapit rin ang loob ko sa tatay ko. Ang mga magulang ko ay nagtratrabaho sapat na para bumuhay sa aming pamilya. Kalakasan ko ay ang maging isang independent kahinaan naman ng tatay ko ang ang pagiging mabilis magalit. Gayun man nag kalakasan ko ay maging positibo sa buhay at mahina naman ang nanay ko pagdating sa pag-aalala lalo na kung ako ay gabi ng nakakauwi na bahay. Noong bata pa ako, naranasan ko ang maging masaya, maglibot kung saan-saan kasama ang aking mga kababata. Ang nanay ko ang isa sa pinaka-maimpluwensiyang tao sa noong bata pa ako. Tinuruan niya akong bumangon sa aking pagkakadapa. Pumasok ako noon sa publikong paaralan naging maayos ang pakikisalamuha ko sa ibang tao. Ngunit, hindi maiwasang mahirapan ako sa ibang subjects lalo na sa Matematika at mas nadadalian ako sa Ingles. Noong bata pa ako, hindi ako sikat pero sumali din ako sa iba't-ibang organization pero ngayon sa akademiks ko muna ako naka-pokus. Mas naka-impluwensiya sa akin ang mga magulang ko na tumutulong sa akin na mag-aral ng mabuti. Unang pag-ibig ko ay ang aking ina sapagkat siya ang nag-alaga sa akin noong bata pa lamang ako. Hilig ko ang pakikinig ng musika at ang pag-kanta. Isa sa hinahangaan ko ay si Tristan ng Pinoy Boy Band Superstar. Ang matalik ko na kaibigan ay sina Roxanne, Aira, Crisha at Noli. Sila ay mga tao na aking malalapitan lalo na kung ako ay may problema. Ang kaaway ko naman ay si Joshua kapatid ko, madalas naming pag-awayan ang mga gawaing bahay ngunit hindi naman iyon nagiging sobra sa away. Aking kinahihiligan ang pagbabasa at panunuod ng indie films. Hilig ko rin ang pagbibisekleta upang lalo akong sumaya kasama ang aking mga kaibigan. Ang huling party na pinuntahan ko ay ang aming Christmas Party kasama ang aking mga kaklase. Isa sa pinakamahalagang tao sa buhay ko ay ang mga magulang ko. Namamasyal kami sa parke at nagkakaroon ng malaking salo-salo. Malungkot amg nangyari sa amin noong nagkaroon kami ng open forum nagkaiyakan rin kami dahil sa mga bagay na hindi kami nagkakaintindihan. Bilang isang kabataan, ang papel ko sa lipunang ito ay magsilbing inspirasyon sa mga bata at sa hinaharap. Kung may nais man akong baguhin sa mundong ito ay ang pagtigil sa paglaganap ng droga. Ang tatlong mahahalagang pangyayari na nais kong balikan pagdating ng panahon ay aking pagkabata, masasayang panahon noong ako ay bata pang naglalaro sa kalsada at ang aking hayskul days. Ito ay nagbabalik sa aking nakaraan.
Home Life Ang bahay ko ay matatagpuan sa isang subdibisyon sa Lucena City. Sarili at pag-aari namin ang bahay. Siyam na taon na rin namin ang bahay. May bawat espasyo na nasasakupan may sala, kusina, kwarto at banyo. Ang aking kapit-bahay ay mababait, masipag at mapagbigay lalo na kung may handaan at okasyon. Maayos ang pakikitungo nila saamin. Kasama ko sa aking pamilya sina Mama Ems, Papa Jo, Josh at JR. Masaya ang aking pamumuhay kasama ang aking buong pamilya. Pinapanatili naming malinis ang aming bahay sapagkat strikto ang aking tatay. Paborito kong parte ng bahay ay ang kwarto ko ito ay tahimik na lugar para saakin. Hindi ko gusto sa kusina hindi ko hilig ang pagluluto. May tatlong bagay akong paborito libro, diary at cellphone ko. Hilig ko itong gamitin at gawing libangan. May tatlong bagay rin akong itinatago gusto kong balikan pagdating ng panahon lumang diary, sirang alkansiya at lumang ID's dahil nakakatuwang alalahanin iyon. Masaya noon ang mga araw na kasama ko ang aking mga kaibigan. Matapos ang anim na taong hindi naming pagkikita kami ay muling nagsama-sama. Nagbabahagi ng mga aming karanasan at masasayamg ala-ala. Masaya rin ang mga araw na nakasama ko ang aking mga pinsan. Galing pa sila noon sa malayong probinsya. Masaya kong idinaos noon ang bagong taon na kasama sila. Ang pinakamalungkot na nangyari noon sa buhay ko ay noong namatay ang lolo ko dahil sa sakit sa puso. Nakakalungkot ang mga pangyayaring iyon. Masaksihan ang lahat ng pangyayari ng atakihin siya sa puso. Wala namang maamang nangyari sa pamilya ko, walang napapasama sa gulo at mga rambol. Pinapanatili namin ang kapayapaan ng aming pamilya. Dala ng pagiging kabataan sinubukan ng mga kaibigan ko noon noong hayskul ako ang uminom ng alak ngunit agad ko silang napigilan dahil kung hindi mapapagalitan ako ng aking mga magulang. Mas masaya pa rin kung kasama ko ang aking pamilya sa bahay kami ay masaya at magkakasama.

Mahal naming Pangulong Rodrigo "Digong" Duterte,
Magandang araw po sa iyo. Isa po sa matinding usapin ngayon sa ating bansa ang paglaganap ng iba't ibang klase ng droga na nagdudulot ng pagpatay mapa-inosente man o kriminal lalong lalo na sa Kamaynilaan. Narinig ko sa inyong inagurasyon at napanuod sa ilang advertisements noong nangngandidato po kayo kayo ay nangako kayo na sa loob lamang ng ilang buwan ay masusugpo na at mababawasan ang paglaganap ng krimeng ito.
Ngunit dumaan po ang ilang buwan ay mas nadagdagan pa ang bilang ng mga namatay na sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal ng gamot. Madalas po akong nanunuod ng balita ngunit mga balita na naman ukol sa Extra Judicial Killings ang napanuod ko. Ang isyu noon sa pagkakadawit ng Sec. Laila de Lima ukol sa droga, ang pagkakahuli ng anak ni Rudy Fernandez na nahulihan ng ilang pakete ng droga sa kanyang kotse. Ang pagkakadawit ng isang personalidad sa showbiz na si Baron Geisler, at pati na rin ang ilang tao sa pulitika.
Sa aking pananaw batay sa aking mga napapanuod at naririnig na balita ay mas dumarami ang kaso ng pagpatay, nadadawit po ang ilan sa kabataan, mga bata, at matatanda na walang kalaban-laban. Hindi lang bilang isang taga pakinig, hindi na po kanais-nais ang mga isyung nangyayari sa ating bansa patungkol sa War on Drugs at mga Exta Judicial Killings. Sa tingin ko po ay nasisira ang magandang imahe ng ating bansa.
Nais po nating lahat na mabigyan ng hustisya ang mga taong nawalan ng kanilang mahal sa buhay.
Lubos na gumagalang,
Elijah Justine L. Calvendra
In CEFI: You Made a Right Choice
Nang maging isang ganap na mag-aaral ako ng Calayan Educational Foundation, Inc. Marami akong natutunan. Hindi lamang pagdating sa akademika pati na rin sa pakikipagkapwa.
Kinuha ko ang specialization ng Humanities and Social Sciences. Nasasakop nito ang iba't ibang kursong may Education, Psychology, Criminology, at iba pa. Isa ito sa nabibilang na isa sa pinakamagandang track na maaaring kunin ng ilang Gr.10 students.
Naroon ang ilan sa trabahong maaaring kunin ang pagiging guro, pulis, broadcaster, pag-aaral ng behavior at galaw ng tao. Dahil ipinatupad na ang K-12 program, nadagdagan ng dalawang taon ang pagsabak sa pag-aaral.
Dito masusukat ang iyong kakayahang umunawa, magpaliwanag at ang pakikihalubilo sa ibang tao. Kinakailangan ng matinding pang-unawa at presensya. Tiyak na mahaba-habang panahon rin ang igugugol para dito.
Bilang isang Humanities and Social Sciences student ito ang napili kong track. Hndi lamamg ito nakapokus sa pag-aaral, paggawa ng report, at magdamag na pagbabad sa paggawa ng assignments. Mayroon ding iba't ibang aktibidad, film viewing, sports fest, boodle fight, at exhibits.
Sakop nito ang iba't ibang subjects gaya ng Physical Science, Statistics and Probability, Reading and Writing, Discipline in Social Sciences, Physical Education, at Creative Non-Fiction.
Ang pagdadagdag ng dalawang taon ay nakatutulong sa mga Gr.10 students at darating pang panahon. Dito ay mas mahuhubog ang kanilang mga kakayahan at talento.
Magkakaroon ng sapat na kaalaman at ideya sa iba't ibang larangan. Matututo ang mga estudyante sa tamang paggamit at pagbigkas ng mga salita. Lalo na sa paggamit ng foreign language.
Ang kasanayang ito ay maaaring magamit ng mga kabataan lalo na kung sila ay magtratrabaho sa ibang bansa. Ang pakikipagtalastasan at pakikitungo sa ibang dayuhan.
Sa paraang ito mas mapapaunlad ang edukasyong K-12 program. Magkakaroon ang mga kabataan sa hinaharap ng magandang trabaho. Ito rin ay ang kasanayan na maaari nilang ipamana sa kanilang mga anak sa darating na panahon.
Sabado, Pebrero 11, 2017
Photo Essay
Nagsimula sa pasimpeng pagbibigay ng mga chocolates, teddy bear, dahil sa kagustuhang manligaw. "May pag-asa ba?" Iyan ang kadalasan itinatanong ng mga kalalakihan. Hindi ba pwedeng subukan muna?
Pasikretong aalayan ng mabango at mga paborito mong bulaklak dadalhan ka kung nasaan ka man maaaring sa iyong opisina, o sa lugar na iyong pinagtratrabahuhan.
Yayayain kang mamasyal sa mall kumain sa labas hanggang sa unti-unti ng makuha ng binata ang iyong loob.
Sa loob ng ilang buwan o taon na pagtitiyaga ng binata. Hindi mo na halos mamalayan na lubos na ang pagpapalagayan ng inyong loob.
Ngunit minsan nagkakaroon ng mga tampuhan hindi pagkakaunawaan maaaring dahil sa oras na hindi mapagtuunan ng pansin, busy sa trabaho, o dahil sa mga taong pilit kumokontra sa inyong relasyon?
Oo, minsan gusto mo ng sumuko. Mahirap ang mag-isa diba? Sabi nga nila walang perpektong tao. Kahit ang relasyon niyo. Maging handa sa lahat ng maaaring magyayari. Minsan maiisip mo ang mga katagang "Oo nga pala, nasa huli ang pag-sisisi."
Dahil sa mabuting komunikasyon hind rin nagtagal ay nagkakaayos dahil sa inyong tiwala sa isa't-isa, pagkakaroon ng open communication, at malawak na pasensiya.
Matapos ang ilang taon napagpasyahang magpakasal at bumuo ng sariling pamilya.
"Giving birth is a blessing." Ika nga nila, iba na ang may buhay may asawa. Mag-aalaga ka ng bata, magpapalit ng lampin, at pilit mong papatahanin. Ngunit, ito ay isang napakahalagang parte ng pagpapamilya.
May nanay na siyang ilaw ng tahanan, May tatay na siyang haligi ng tahanan May ate at kuya na siyang malalapitan kapag wala si nanay at tatay. May bunso na nagbibigay aliw sa loob ng tahanan.
Masarap sa pakiramdam kung kasama mo sa bandang huli ang taong mahal mo. Mapapakanta kana lang ng "Patatawanin kita pag hindi ka masaya, bubuhatin kita kapag may rayuma kana, ohh kay sarap isipin."
Kasama kang tumanda...
Interview
Siya si Aling Valen(hindi totoong pangalan) 52, taong gulang nagtrattabaho bilang isang janitress sa pampribadong paaralan.
Ano po ang ginagawa niyo bilang isang janitress? "Eto naglilinis ng classroom,opisina kung ano 'yung area na naka-assign sa akin," sabi niya. Katatapos niya lang sa paglilinis. Ano po ba ang trabaho ng asawa niyo? Ilan ang anak ni'yo po? "Ang asawa ko, foreman siya dati sa isang construction site kaso naaksidente siya nitong 2014. Gumaling naman siya pero nagkadiperensiya sa katawan pero ngayon nag-tratrabaho siya bilang isang panadero sa bayan," sabi niya habang umiinom mg baong tubig. Apat ang anak ni Aling Valen isa 'yung nag-aaral ng College of Education ang course at mayroong tatlong anak na nasa hayskul pinagkakasya ang maliit na kita upang pag-aralin ang apat na anak.
Noong una po ba hindi kayo nahihirapan sa inyong trabaho? "Noong una mahirap kasi nag-aadjust ako maraming gawain; akyat-baba sa hagdan pag-uwi ko sa gabi at hihiga ako masakit ang katawan pero sa tinagal-tagal ko ng nagtratrabaho dito, sanay na ako" sabi niya. Hindi nga biro ang trabahong ito pero sa totoo lang nagagawa niyang lahat at natitiiis niya ang sakit at pagod pero kinalaunan nasanay na rin siya sa trabahong ito na bumubuhay sa pamilya niya. Bakit po pagiging janitress ang inyong napiling hanapbuhay? "Sa totoo lang, hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya kahit mahirap aking pinagtitiyagaan para makatulong na rin sa aking pamilya," sabi niya habang may baong ngiti sa mata nung kinakausap ko siya. Mahirap talaga ang hindi nakatapos ng pag-aaral kahit gusto mo o ayaw mo mapipilitan kang mag-hanap buhay. Kung kayo po ay babalik sa inyong kabataan pipiliin ni'yo parin po ba ang hindi na nakapag-aral? "Aba! Hindi na, pinagsisisihan ko ang hindi ko pagtatapos ng pag-aaral kaya parati kong sinasabi sa mga anak ko mag-aral nang mabuti upang makapag-hanap ng magandang trabaho" sabi niya. Nag-iba nag mood ng mukha niya binabanggit ang salita; nakatingin sa malayo. Napaisip ako dahil totoo ngang napakahalaga ng pag-aaral,lalo na sa mga kabataan kagaya namin.
Ano naman po 'yung ine-expect o nais niyong matanggap ngayong darating na pasko? "Gusto ko kasing may kaunting panghanda sa pasko. Kahit simpleng handaan lang, pansit, tinapay, okay na. Gusto ko lang naman mabuo ang pamilya ko sa pasko," pagtatapos niya. Si Aling Valen ang tipo ng taong masipag at matulungin sa kanyamg pamilya. Nagsu-sumikap na matulungan ang kanyang asawa at mapag-aral ang apat na anak. Nais lamang niyang makatapos ang kanyang anak sapagkat ito ay ang kayamanan na tanging maipapamana niya sa kaniyang anak.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)